PAOLA101

crash course to paola's life, love and crap like that.. :)

Saturday, May 21, 2005


with my friends back in gradeschool days.. wow.. haha.. tagal na namin magkakaibigan eh! :) swim kme sa condo ni jhes.. :)

videoke with some of my family members.. :) maayos pa naman.. at props lang yang mic na hawak ko.. nde ako kumakanta.. haha! :)

Saturday, May 07, 2005


don't you just love that?? :) best sunset in the whole world.. oh and that's me on the boat... haha!! nah just kidding!! :)

Thursday, May 05, 2005

para sa mga taong walang hilig mag basa ng posts at gusto lang makita ang mga pix, scroll down lang oki? maraming pix jan mag sasawa ka.. :)

Wednesday, May 04, 2005

Boracay Scandal

this is not something porno, but i'm sure this will give you the same pleasure as opposed to porno materials. haha.. feeling.. pero nde. seryoso.. kaya scandal, dahil nakakawindang ang pag punta namin sa bora.. parang mga ibong nakawala sa hawla sa gulo.. i was inspired by sheena to write this post after reading hers about her palawan escapade.. thanks sheens! :)

so.. eh di umpisahan na lang naten sa mga ginawa namin bago pa naisip na mag bora..
ang unang plano, galera.. eh mga walang pera eh.. hirap na.. pero, isang beses na kumain kme sa munch alley, pinag usapan na naming cge sa bora na lang.. kahit na matulog na lang kme ng nka tayo.. or matulog kme sa beach... na nka plastic na lang ang mga gamit para nde mabasa.. ayun.. at marami pang ibang hiritan.. eh di shmpre ang sakit na naman ng mga tiyan namin lahat.. so habang kumakain, pinractice na namin ang magkakadikit ng matindi sa maliit na table para daw sa bora sanay na kme..
biglang nagka yayaan, since wala kmeng mga pera enough for bora, mag garage sale na lang daw kme.. dun sa may townhouse nila jaerey sa southpointe. o eh di go.. haha! kinabukasan, which is saturday, sinundo ako ni toni at ni ruth at pumunta kme kila jaerey.. dala ung mga gamit namin na nde na namin gusto.. except for ruth na dala ung mga damit ng kuya nia kahit mukhang bago pa, ewan ko sbi nia kse magka away cla nung time na un eh.. so o dba, ayoko na bigla mkipag away kay ruth.. kung makikipag away ako, mag iinventory muna ako ng mga gamit ko.. eherm..


anyway, eh di garage sale.. ok naman.. daming nabenta.. sa mga butihing maids.. :)
ung mga dala ko ang pinaka pinag tawanan nila.. kse nga mga damit ko nung bata.. lalo na ung mga costumes ko.. haha!! :) mga bwiset!
so un, wala naman mashadong exciting na nangyari.. sooo... anu ulit? aaahhh.. oki..
next friday, nag post na kme ng mga posters na ginawa namin sa mga poste ng south admiral tungkol sa susunod naming garage sale.. ayun.. sabado, ang dami agad tao.. since magkatapat kme ng bahay ni jaerey, ilang bunny hops lang.. ilan nga ba? mga 5 siguro.. :) eh di nung umaga na maiinit sa garahe namin, dun muna kila jaerey... nung mainit na sa kanila, dun naman samin.. ung mga tao naman, nde naman cla nag bubunny hop pero nde naman cla nawala nung naglipat kme.. :)


pinag usapan namin ang pag papack ng mga gamit, kung anung canned goods ang dadalhin, eh hello?? c ruth, 1 week before ng alis namin nka pack na! at nilalabas nia ung gamit nia, at binabalik ulit!! haha!!

nagkausapan, tuesday ulit ang garage sale dahil sobrang kulang pa ang pera namin.. c christian ang dami agad dala so lahat ng benta nia sakin napunta.. :) at ung nanay ko ren ang daming binebenta pati ung mga marmol namin sa bahay pinapabenta nia! haha!! :)

friday, kuhaan ng course cards.. cursed cards mga walangya.. haha.. but that's another story.. anyway, mga 4 kme sinundo ng driver sa school at derecho na kme sa pier.. :) pag dating palang namin sa pier, nahirapan na clang dalahin ang mga gamit nila.. buti na lang at 1 lang ang bag ko.. pero ung bene varsity bag.. so ang laki nun.. :)

pag dating na pag dating palang namin sa loob ng ship, sobrang asikaso na nung mga crew.. at may nkaaway na kme agad.. di naman namin cla inaano! hahaha!! lapitin ng away eh! shmpre dun kme pumwesto sa malapit sa mga lifevests. aba mahirap na noh.. mas ok na maging praning kesa malunod..
tapos, nilibot namin ung buong ship, nag deposit ng mga gamit, at kumain sa restaurant.. nag tip ng piso.. galante kme eh.. haha!! :) nkatulog naman kme ng maayos.. at ako, nagising ng 230 am.. at nanggulo ng mga tao.. haha.. tapos natulog na lang ulit.


LEGEND:
- truck : tricycle.. kala mo truck!
- natives : ung mga nampoporma samin
- magkano ka?? : pick up line.. inside joke. haha!!
- FMB : Foh Mah Biatches
- FMB : From Manila to Bora
- amoy pinipig - c Toni yun.. mmm!! amoy pinipig! hahahaha!!


DAY 1:
pag dating ng ship sa boracay, kailangan naming sumakay sa isang maliit na bangka na magdadala samin sa station 3. (ibang acronym ng FMB? haha!) eh malamang late kme nka bili ng ticket na pang miniboat.. kse 5 kmeng walang kamuang muang sa mundo.. eh di isa kme sa mga huling grupo na nka baba..
pag dating namin ng station 3, picture picture na naman.. at nag tryk kme hanggang station 1. at malayo pala un. at ang mahal pa. sabi na nga ba dapat nag dala kme ng sariling tricycle eh..
pag dating sa hotel ng tita ni jaerey, nag unpack kme, nag paluto ng isa sa mga msasarap naming pagkaing de lata, at nag bihis ng bikini.. kumain, at nagpunta sa station 3 para i-meet cla crollie at iba niang friends.
tumambay kme sa may beach front at nag laro ng patintero.. kse ang mga trip nila crol, volleyball.. eh mga varsity sila eh.. kumpara naman samin, ang alam lang eh 10-20.. so nde na kme sumali..
kinagabihan, (naks) pagkatapos namin maligo at mag ayos kila crollie, balik kme sa station 1 para kumain.. tapos tumambay muna kme sandali sa hotel, nanood ng tv, tas nag make up at naglakad na ulit papunta sa bars.. :)
so pag dating sa bar, coco lang naman kme tumambay that night, eh di yun, super inom to the max, at may mga natives na nkikipag kilala.. pati mga not so natives nakikipag kilala ren.. ewan ko ba kung bket napaka introvert namin lahat, nde namin cla pinapansin! hahaha!! ang lungkot!
anyway, eherm.. nung pauwi na ng mga 430, c ruth, toni at gella natulog kila crol. ako ay lasing na at kila jaerey na lang ako natulog sa sobrang nde na makalakad. :)


DAY 2: (whew!)
pagkagising namin ni jaerey ng 1030 am, nagpaluto na kami. tapos kumain, tapos nakatulog ulit. eh ang usapan namin nila ruth walang gisingan eh. so mga 3pm na kami nagising ni jaerey, at naligo, at bikini, at punta ng station 3 para makipag kita kila ruth. nagpahenna kme at pumunta kila crol, kumuha ng gamit, at bumalik sa station 1.. whew! ang hirap ng buhay namin! haha! balik kami sa hotel para ibaba ung mga gamit, balik sa beach para mag pa-tan, puntang d'mall para mag pa glitter tatoo, tapos ayun.. balik sa hotel, kain, at nuod ng tv.. ligo, bihis pang gimik, at gimik ulit!. :) uwi ng mga 5am ata un.. :)


DAY 3:
nagkita kita kme nila crol sa station 3. nag decide na mag island hopping. pag dating sa boat, 2 oras na nanginginig ang mga pwet namin dahil sa motor. namanhid na noh. 1st stop: crystal cove. (or cave... whatever). pag pasok namin, meron dun, sabi don't touch the monkey. eh di nde. haha.. malayo layo ren ang nilakad namin, at pag dating sa unang cave, wala namang ginawa kungdi mag picturan. tapos, pag dating sa susunod na cave, squat kme papasok (at nauntog ako.), picturan ulit.. haha! nde kme makababa sa tubig kse ang lakas ng alon baka mahampas kme sa bato!
pag tapos eh nag snorkling naman kmi.. at ang saya nung part na yun, ang ganda. at nakapag salita ako sa ilalim ng tubig. o ilusyon ko lang un?
last stop: sa isa pang island na parang bora ren pero super daming shells.. ewan ko ba kung bakit ganun. at nag sun bathing lang kme dun, at umuwi na.. pagkatapos kumain ng dinner, josko tulog na kami agad.. buong gabi ha.. haha!! :)


DAY 4: Tuesday
sabi ni cindi, nagkaroon daw ng away dun sa mangas, basagan ng bote sa ulo, wow.. kung kelan tulog kme.. chaka mag aksyon..
nagising kmeng lahat ng 4 am.. para abutan ang sunrise.. at may mga nasa bars pa ren, may mga lasing na naka higa sa beach. na pag sinipa mo eh gugulong lang. as usual, nagpicture picture lang kme, at nag lakad na ulit pauwi. ang alam ko eh nakatulog ako ulit, what's new.. pagkagising eh kumain kme ng lunch at nag beach ulit.. nag punta kme sa jony's (o jona's?) ung famous best shakes in the island daw.. well, it was over rated. anyway, pag tapos namin mag shake, nag pamasahe kami. at masaya naman. pero ang mas ok eh ung oil na ginamit nila. :) coconut oil sobrang ok, nakakatan.. :) anyway, pinag laruan kme ng ulan nung time na yun, nung nakahira na kami eh umulan, tapos nung tumayo kme para lumipat ng lugar, nawala ung ulan tatlong beses na ganun ang nangyari. wow.
anyway, umuwi kami at nagpahinga, tapos naligo. tapos nag dinner at tumambay ulit sa hotel, at nagbihis ng pang gimik, at gumimik. :) uwi kme ng mga 5am ulit.
.

DAY 5: Wednesday
last day na nila crollie. pagkagising namin, naligo at kumain at nag bihis at nagpunta na agad sa beach, nag libot mula station 1 hanggang station 3. tapos, bumili kme ng coconut oil dahil nasiyahan kme sa pagkaka tan namin. :) ayun. tapos, inabot na kme ng hapon, mga 530, tambay sa beach, tapos nag punta kme sa summer place, order ng beer (happy hour mura) tapos kwentuhan lang.. :) tapos may lumapit samin na pede na, at naki light.. haha.. nice pants! :)
tapos, mejo may tama na, lakad ulit sa pauwi sa hotel, ligo at kain, tapos pinuntahan na namin cla crollie, sa paraw, at nagpakalasing na dun,.. pag dating sa mangas, lasing na sobra ang mga tao. dito kami ni toni na "hi we're from manila" na linya.. :) haha!! yebba natives! tapos, meron pang, "you look pamilyar. my pren thinks he saw you here last year in boracay" wow.. o nga naman.. "it's my first time here in boracay. how can that happen?"
ayun... tiklop.. ang kulit.. ang sama ko.. at hinila ko na c toni para sumayaw ulit.. kahit na saksakan ng sikip. at saksakan nakong lasheng.. hahaha!! ang asim ng suka ko!! lasing maasim na bailey's! nabasagan kme ng bote. bad trip sobra. ako may sugat sa paa. kmeng dalawa ni crol. duguan.. labas buto.. haha!! de joke lang noh.. cut lang.. maliit..
anyway, ayun, nung lasheng na lahat, punta kme sa beach at nag kwentuhan, at nag picturan ng tumatalon. at ayun, kumain kme nila ruth ng longgaburger.. again, over rated.. pero pede na.. gutom lagi ang lasheng dba.. :) umuwi kme ng 6 na.. kawawa naman cla crollie.. lasheng na walang tulugan pa.. :(


DAY 6:
ayun, ang sakit ng ulo naming lahat.. well, ewan ko sa kanila ha, pero ako ang sakit ng ulo ko..
pag kagising, tanghali na kme nagising eh.. mga 11 na ata.. ayun, same routine, ligo at bihis ng bikini tapos kain, tapos punta sa beach. dala na namin lahat ng pera namin dahil bibili na kme ng ticket pauwi at pati mga pasalubong sa mga tao.. :) nagkita kme ni sacha sa d'mall. tapos, wala libot lang.. :)
pagtapos bumili ng mga pasalubong, nagpunta na kme sa station 1 dahil magbabanana boat kme.. 5 pm un.. nde ko nga lam kung pano ako naconvince na mag banana boat eh.. feel ko talaga may shark. pero narealize ko lang na takot ako nung nakasakay na ako mismo sa banana boat.. shet. anywayy, pagkatapos, nag picturan kme ng last sunset in bora. tapos balik na sa hotel, ligo, kain at bihis ng pang gimik... c toni at jaerey natulog, at ako c ruth at gella nag heart to heart to heart talk.. haha!! :) secret na un.. tapos, balik kme sa hotel mga 10 pm, tas nag make up na kme, ginising cla toni at nag party...
nagkita kme ni sacha, at tumambay muna sa beach dahil nde masaya ung crowd sa mangas. tapos, kwentuhan. at maraming kwentuhan nila sacha. :) tapos, balik kme sa mangas at nagpakalasing na ako ng todo.. (so nde pa pla todo ung dati) tapos ayun, masaya naman, party buong gabi, tapos nkita ko c matt p. tapos sumama cia samin, tapos kumain kme ng isaw, at humiga na c sacha sa beach. eh di ako ren . tapos kasma ren namin c matt na boypren ni sacha. so 2 matt kasama namin. tapos ok na.. tambay kme sa labas ng coco, tapos upo sandali, picture na naman at party ulit!! :) ayun, umuwi ren kme ng 6am.. nag lakad na kme pauwi, c ruth sobrang sabog at kme ni gella ang maayos. nilakad kme ni matt sa hotel. salamat matt! :) (matt p. ha.. umuwi na c sacha at matt boypren nia mga 5 eh) tapos ayun, kwentuhan sandali, at umuwi na c matt.
tulog kme ni gella, 630 ata..


DAY 7: Friday.. last day.. :(
nagising kme ng mga 8 am.. tapos shempre halos tumalon kme dahil ang dami pa naming ipapack. tapos pag kaligo, alis na agad.. sakay na sa tryk pagka dating at derecho na kme sa station 3. take note: 1 oras mahigit lang ang tulog, lasing na lasing nung kinaumagahan.. good lak samin.. tapos pag dating sa maliit na bangka, bagsak ako agad.. as in buti na lang dala ko c taz na unan ko very useful. at nakatulog na ko agad papunta big ship. at ang mga walangya kong kaibigan, pinicturan ako.. tapos pag dating namin sa ship, parang gusto na namin lumangoy pabalik sa bora.. josko, feeling ko lulubog na agad ung ship nde pa umaandar.. at ang economy, ang daming bata at ang layo namin sa lifevests.. shet.. so pagdating namin, tinatanong na namin kung pano magpalipat sa cabin.. pero bawal pa daw.. dadaan pa daw sa romblon at pag alis pa sa romblon pede.. shet.. so ayun, pag dating namin sa mga kama namin, take note: lahat kme nasa taas ng double deck bwiset... kita kme ni glen, ung isang track team ng lasalle. kumain kme ng lunch, at natulog na kme lahat. mga 1 kme natulog at nagising kme mga 6 pm na. saksakan ng lamig as in! tas nagkayayaan kumain, eh di kumain kme..
at ang bababoy namin daihl ung 3 lalakeng kasama namin., 1 buong chicken lang.. kme na apat na babae, 2 whole chicken! wow!! haha!! at naka 1 1/2 rice ako dahil eto c gella kalahati lang ang kinain! tapos nakihingi pa ako kila glen ng pansit! hahaha!! ang baboy ko tlga!! :)
tapos, may nag magic sa loob ng restaurant, magaling cia.. lalo na pag sabog ka.. haha!! :) gusto pa nga namin uminom kaya lang wag na lang.. walang party eh..
so un..
pag balik sa mga kama namin na ice cold, higa na agad at pinilit ng matulog. tapos buti na lang binigay sakin ni cliff ung jacket nia, at ni benjo ung kumot nia samin ni toni..
nagising kme ng mga 4am.. tapos nakita namin lahat na ng tao nag aayos na ng gamit, eh di ayos na ren kme.. tapos baba na ng ship.. :) gudbye na sa mga tao.. balik na ulit sa totoong mundo..


pag sundo samin ng driver, punta kme sa bahay ng nanay ko at tulog ulit sa couch.. tapos nagising na kme ng dumating na ung mom ni toni, mga 10am.. :) at un.. dun na natapos ang buong pagsasama namin.. before, during and after bora.. :)

sarap sobra.. parang nde talaga nangyari...
haha..
kung nde man kayo nasiyahan, mga nagbabasa neto, well nasiyahan naman ako sa pag gawa.. naalala ko lahat ng mga nangyari, pati ung mga details na nde na dapat ipost d2 dahil ssshhh lang.. what happens in bora stays in bora.. :) kung anu man ang napagusapan, dun na lang.. at next summer na lang namin ulit babalikan.. :)

Friday, April 29, 2005

death

been contemplating on death and i have realized that i am so scared of it. the last time i went on a ship, all i could think of is what to do when it sinks. i've known a few people who have contemplated on death also and i don't know where they get their courage to kill themselves when in fact death is something so permanent that there is no turning back.

i know that someday we are all going to die. sometimes i think about the end of the world. and i pray that i will not die sooner that expected. but then again, i realized that why am i so concentrated on myself? i am just a person compared to billions out there probably praying for the same thing: more time. so ok lang na mamatay ang iba basta lang ako buhay? i don't think that will be fair for others. nobody wants to die soon. so i just keep on telling to myself, that what will happen will be in the hands of my God and also nature.

in preparation for death, i have set up a box that contains letters for the people i love, loved, hurt and for those who have served as inpirations for me to go on my daily life.

the first time i went snorkling made me realize that i have been missing a lot of great things because of my fear of death.. i should start risking.. at least when i die, i die happy.. or happier.. :)
maybe the reason why i'm scared of death is because i don't wanna feel pain. but that's the thing, when im dead, i will not feel a thing anymore so why fear? but im also scared of the unknown. a lot of people, organizations, governments even countries are scared of the unknown. most of the time, we make up stories of those things we fear and things we don't know so that we can ease the feeling or maybe so we can have other people fearing the same things we do.. like life after death.. is there such documents that prove that there is life after death? has someone died and came back to tell us what is beyond the borders? how can anyone be so sure of something they have NEVER experienced?

i don't think i have any reason to kill myself. and believe be this is not a suicide letter. someone this scared of death will not let suicide cross his/her mind. but i have to be prepared. i have to accept that everything has an end. including this post. Ü

Thursday, April 28, 2005

what defines a person?

ako mahilig sa testimonials.. pampaboost ng ego eh.. wow.. tingin pala sakin ni ganito, mabait.. tingin sakin ni ganito, masaya kasama..
pero lahat naman ng tao kayang maging mabait eh.. lahat ng tao kanya kanya ang trip sa buhay. minsan nagkakasabay ng trip kaya matatawag mo ciang kaibigan...
pero cno ba talaga ang mga nakakakilala sakin? diba ung mga taong alam na ung timpla ng ugali ko? nde naman yan sa kung ano ang mga napag kwentuhan nio eh.. minsan nasa tagal ren yan ng pagsasama.. pero bakit kadalasan ang mga pamilya naten nde alam ang tunay nateng nararamdaman? alam ba nila kung pikon ka na? alam ba nila pag naiiyak ka? kadalasan hinde. mag bebente na ako at mag bebenteng taon ko ng kasama pamilya ko, wala paring nakakakilala sakin ng matindi...


pano ba talaga makikilala ang isang tao? sa pagbabasa ng testimonials? malalaman ba ng ibang taong nagbabasa ng testimonials ko na pikon ako nung bata pa? na mabilis uminit ang ulo ko? at na ayoko sa mga maaarte simula ng bata ako? hinde.
ang malalaman lang, ay "mabait" ako sa karamihan at "masaya" ako kasama. yun na un.


you cannot define a person simply by describing their good side. most of the time, you will understand a person more, and even appreciate, when you know his/her bad side. you become closer. everybody can be "mabait" or "masaya kasama" but very few people will have mood swings, violent reactions and desperate acts when presented with a certain situation. these definitions are what separate individuals. these are what we should start discovering for ourselves. heck, sometimes other people notice behaviors that i don't even know i have. and that's what defines me as a person. yeah you can change, but more often that not, you will have the same behaviors that you are accustomed to. that's you. and this is me.

Wednesday, April 27, 2005


during snorkling.. ang hirap mag steady nian eh kse nde ako mkaupo dun sa may blue na gilid nung boat.. c gella nga sabog pa eh o.. hahaha!! ang hirap kse eh.. pero in fairness ang ganda ng ilalim ng dagat.. swear.. :)

same place.. club paraw.. super ok pa kme neto, kitang kita naman eh napaka poised pa namin.. :)

eto, ay naguumpisa pa lang ang gabi sa club paraw.. around 12 or 1 am palang nian.. :) anu ba naman to.. ok man o sabog iisa ung mukha ko!! hahaha!! :)

eto, nasa may.. wait lang.. anung bar ba to?? ah! club paraw! :) ok pa naman kme lahat.. :) pero ung kumukuha ng pic nde ok, ang gulo.. haha.. :)

eto, party pa ren. haha!! ;) mga 4 na cguro nian.. :) at lasheng ung kumuha, wala sa gitna! :)

eto ang trip namin ng mga 430 am-445 am.. hahaha.. tumalon.. at macapture ang pag talon.. eh ang kumukuha ng pic, lasheng na ren.. so.. hahaha!! muntik pa atang malaglag ung boob tube ko jan!! shet!! c crol super lasheng na.. the one in blue.. c ruth ang bilis mag landing.. hahaha!! :) c ice super taas tumalon!! F na F namin lahat!! hahaha!!:)

eto ang pic namin ng last day nila crol.. at nasa beach na lang kme nag kkwentuhan.. mga 4 na ata ng umaga nian.. buhay pa! haha.. ewan ko na lang kung bket blurred.. pero maayos yan dati eh.. haha :)

Tuesday, April 26, 2005

pictures

it's been a while since i last TRIED to post my thoughts here.. it is very evident that i only post pictures of my every happy moment with my friends and family. this is partly why im posting my thoughts right now..

pictures.. are supposed to show people how happy you are the time they were taken. it is supposed to reflect how good your life is going and along the way, make people feel bad that they aren't experiencing the same feeling.

but i don't see sad pictures. loneliness is a feeling too.. it's a feeling that everybody experience. it's part of life. so is death. i dont see people posting pictures of their family shouting at eachother. of course that would not be normal. but what is normal anyway? conforming to the society's beliefs?

i love taking pictures of myself and moments with friends. it's nice when everybody's smiling... family portraits are excellent. fixed smiles are on their faces. but it just doesn't mean anything. they show the world that they are living a very "perfect" life. no anger, no pain, just the feeling of happiness with the people they are with in the pictures..

i may not be making sense here.. haha.. im just trying to explain how hypocrite a lot of people can be.. myself included.. i should try taking pictures of sad moments.. it's ok to feel sad.. and to cry.. people tend to shy away from other people when they are sad. they just don't wanna talk about it. but there are some people willing to listen whenever you feel like talking the whole night on the phone, crying..

nonsense.. it's 8 pm and i feel like im drunk already..

that's my thought.. watatot..

weirdo

i just remembered.. the reason why i don't post my thoughts here is because i don't feel too comfortable letting other people read how i feel about a certain time in my life.. but by saying this right now, im totally opposing myself.. so there.. weirdo..

hypocrite.. haha.. i know.. im not too happy right now.. at least im open about it.. haha.. next time!! :)

Monday, April 25, 2005


ayan.. eto ang course card day ko.. at ang prof na ito, tres lang ang nakuha ko eh sobrang hirap ng pinag daanan namin sa kanya!! nyeta!! (btw, lasalle grading system.. so 3 isn't supposed to be so bad.. pero kahit na..)

malayo ang tingiiiinnn.. hahaha... wala namang tinatanaaawww.... yeah bora!! bora na toooo!! isa paaaHH!!

yan.. smookkeesss? hahaha!! c yemen kse ang gulo eh!!! hahaha!! :)

last na to.. haha.. eto, pic of me trying to get on the banana boat.. apparently, im having a very hard time.. buti na lang c ruthie kaya ako.. thanks ruthie!! :) hahaha... mga bwiset!! ayaw magpalaglag!! hahaha!! BORA ULIIIITTT!!

kasama namin c yemen!! :) haha! sobrang astig nung mga binibenta nia, lahat clay!! kita nio yang mga ulo?? clay lahat!! galing dba?? im not sure if you can see it, but the fishes in the basket, are also made out of clay! astig noH?? :)

oo.. nalaglag ako.. ako lang ang nalaglag nung una kse ang usapan bibitaw sa banana boat pag lumiko na.. aba anak ng tokwa ang mga lintek nde bumitaw!! at sobrang kapit nila!! o dba.. buti na lang wlang shark sa likod ko!!

banana boat.. maayos pa ang lahat.. at nde ako nkatingin sa camera dahil galit ako sa mga bata ang gugulo ayaw magsi baba eh umaandar na kme ng konti nun.. bad trip.. hahaha!!

chilling at summer place.. saya.. ayan, sanmig na naman!! kaya lumalaki chan namin eh!! hahaha!! sarap!!

another cave.. oo na ang laki ng chan ko.. bwiset na redhorse to o.. haha!! :) hirap gumapang papunta jan sa loob noh! i felt like not going on anymore. but then again may nka sunod sa likod ko/.. haha/.. nkakautot..

nsa underground cave kme neto!! :) haha!! masaya.. pero mejo madulas nga lang.. o dba. :) nde ko kayang umalon dun sa may tubig eh. ang lakas ng alon.. :(

trying to be artistic eh? :) work with the camera! make love with the camera!! haha!! nice one ruthie!!

off limits to passengers daw.. eh anung gnagawa ng mga kumag na to d2?? hahaha!!

b4 partying.. super ayos pa kme.. pero pag tapos?? haha!! don't ask...

island hopping!! :) yeah!! i loved the snorkling!! let's do that again? :)

hennabebes... :) i just llluuurrrvve the sun.. :)

dolphin!! :) galing tlga noh?? bata lang ang gumawa nian!! nde naman sa minamaliit ko ung mga bata.. pero ang galing dba?? :)

eh sinong saboooogg?? hahahaha!!! :) and kaninong boobs yan!!?? mala kris aquino!! hahaha!!

party till dawn!!! :) yeaaahhh!!!

first sunset in bora.. :) oh i love it..

yeah!! super fun ship!! :) master captain? are you master captain??

biggest sand castle i've seen! :) yebba!! :) galing ng locals!!

friends.. :)

ruth and pao.. :) yeah.. love the shades!!

o! hawak ko ung boat!! haha!! :)

yeah!! :)

nkatalikod.. wala lang.. haha!!

friends in bora..!! :) yeah!! best summer ever!!

Wednesday, March 30, 2005


ito ang mala maui taylor kong pose... kse ito ren ang bato na nagpictorial c maui taylor for FHM.. papasa na ba?? haha! ang taas nian noh! nahirapan akong akyatin yan! and u should see me when i was trying to go down! matagalang pep talk un! hahahaha!! :)

Tuesday, March 29, 2005


sunset at zambales.. well actually, im too late to capture most of the sun.. :(

last pic at the house in zambales.. :) kami ang about 1/4 ng mga magpipinsan.. :) at siguro, 1/16 ng clan.. haha!!

at the beach in zambales.. sunset.. :)

Wednesday, January 26, 2005


isa pang picture ng bday ni kuya allan at ate sheila.. :) saya! :) mga balikbayan pa ang iba jan kaya super saya dahil minsan lang kme magsama sama! :)

eto ay party pa ren ni kuya allan at ate sheila.. un lang.. inuman at kainan pa ren ng todo... haha! sana july na ulit! sana lagi na lang july para bday namin lahat! :)

c jas, yan, yel at ako.. sa outreach pa ren, at wlang tigil ang picturan dahil mahilig tlga ang pamilya namin sa camera.. :)